BREAKING: 11 sundalo nasawi sa sagupaan ng militar at ASG sa Patikul, Sulu

By Erwin Aguilon April 17, 2020 - 09:57 PM

(UPDATE) Labingisang sundalo ang nasawi habang labingapat na iba pa ang nasugatan sa sagupaan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Contributed Photo

Nabatid na nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army nang makasagupa ang nasa 40 miyembro ng ASG na pinamumunuan nina Radullan Sahiron at Hatib Hadjan Sawadjaan sa Sitio Bud Lubong, Bgy. Danag, Patikul, Sulu.

Tumagal ang engkwentro ng halos isang oras bago tuluyang tumakas ang mga terorista patungo sa hilagang-silangang bahagi ng lugar.

Contributed Photo

Tinangay din ng mga tauhan ng ASG ilang mga baril, mga bala at handheld radio ng mga sundalo.

Dinala na sa Camp Teodolfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu at sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City ang mga nasugatang sundalo.

Ayaw pa namang banggitin ng mga awtoridad ang pangalan ng mga nasawing sundalo dahil ipaaalam muna ito sa kanilang pamilya.

Nakatakda namang dalhin sa headquarters ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City ang mga nasawing sundalo.

 

TAGS: 21st Infantry Batallion ng Philippine Army, ASG, Hatib Hadjan Sawadjaan, Militar, Patikul, Radullan Sahiron, Sulu, 21st Infantry Batallion ng Philippine Army, ASG, Hatib Hadjan Sawadjaan, Militar, Patikul, Radullan Sahiron, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.