DOH hinimok ni Sen. Go na i-maximize ang serbisyo ng local health workers sa gitna ng deployment ban

By Dona Dominguez-Cargullo April 17, 2020 - 06:36 PM

Hinimok ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang Department of Health (DOH) na bigyang prayoridad at i-maximize ang Filipino healthcare professionals sa bansa sa gitna ng ipinatutupad ngayon ng gobyerno na deployment ban para masiguro na may sapat na health human resources na kinakailangan para maapatan ang coronavirus disease (COVID-19).

“Dapat lang na i-encourage ang ating medical workers na tumulong sa sarili nilang bayan. Lahat tayo bilang Pilipino, dapat gawin ang lahat para masagip at maprotektahan ang buhay ng ating kapwa Pilipino,” sabi ng senador.

“Kaya naman nais nating masiguro na may sapat tayong healthcare professionals sa bansa upang labanan ang pagkalat ng COVID-19,” dagdag pa ni Go.

Binigyang-diin din nito na dapat pagkalooban ng special considerations ang Filipino healthcare professionals na may existing contracts abroad sa harap nang katotohanan na ang COVID-19 ay isang pandaigdigang usapin at nang sa gayun ay bigyang pagpapahalaga ng mga ito ang kanilang commitments sa kanilang mga employers sa abroad.

“Nagpapasalamat po tayo sa Inter-Agency Task Force sa kanilang pagkunsidera sa deployment ban at pagdinig sa sitwasyon ng iba nating mga health workers na may employment contracts sa ibang bansa,” Sabi ni Go.

“Maganda naman po ang hangarin ng deployment ban ng POEA, ngunit naniniwala rin po tayo na hindi dapat kabilang dito ang mga health workers natin na may contractual obligations na sa ibang bansa bago pa man nag-umpisa ang public health emergency na dala ng COVID-19,” saad pa ng mambabatas.

Kamakailan nitong Abril ay naglabas ang Philippine Overseas Employment Administration Governing Board ng Resolution No. 09, series of 2020, na magpapatupad ng temporary suspension ng deployment mga healthcare worker.

“It is of paramount national interest to ensure that the country shall continue to have, sustain the supply, and prepare sufficient health personnel to meet any further contingencies, especially to replace, substitute or reinforce existing workforce currently employed, deployed or utilized locally,” ayon sa resolusyon.

Ang naturang kautusan ay sa layuning matiyak na may sapat na bilang ng Health Workers ang bansa sa gitna ng banta ng COVID-19.

Kabilang sa mga Health professionals na kasama sa ban ay medical doctors/physicians, nurses, microbiologists, medical biologists, medical technologists, clinical analysts, respiratory therapists, pharmacists, laboratory technicians, X-ray/radiologic technicians, nursing assistants/aides, operators of medical equipment, supervisors of health services at personal care at repairmen ng medical-hospital equipment.

Noong April 13, nagpasa ang IATF ng sarili nitong resolusyon na nagbibigay exceptions sa POEA’s Resolution No. 09.

Nakasaad sa IATF resolution na ang temporary suspension ng deployment ng health workers ay hindi kabilang ang mayroong perfected at signed overseas employment contracts as of March 8, 2020.

Matatandaan na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency sa buong bansa nuong March 8, 2020.

Inoobliga din sila na mag-execute ng declaration na nagsasaad na batid nila ang peligro na nakaumang salig sa abiso ng gobyerno ng Pilipinas.

Nakasaad din sa IATF resolution ang katagang “DOH is directed to facilitate the emergency hiring of additional healthcare workers to assist in the local healthcare system.” Ito ay Subject naman sa evaluation ng Department of Budget and Management.

Nagpahayag si Go nang kagalakan sa lahat ng Filipino health workers sa kanilang pagsusumikap at sakripisyo para tulungan ang bansa na makaahon sa krisis na dulot ng COVID-19.

“Tulungan muna natin ang sarili nating mga kababayan upang malampasan ito. Salamat sa inyong sakripisyo, kayo ang bayani sa giyerang ito,” saad ni Go.

Umapela din ang senador sa gobyerno na patuloy na suportahan at protektahan ang health workers na nagsisilbi bilang frontliners sa krusada ng bansa laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanilang ng sapat na kompensasyon, equipment at facilities para gampanan ang kanilang tungkulin.

“Pero sa bawat medical worker na sasabak sa giyera laban sa COVID-19, dapat lang bigyan sila ng gobyerno ng karampatang proteksyon at sandatang panlaban. Let us use the funds available to give them proper compensation and provide them with the tools, facilities and protection they need to resolve this health crisis,” dagdag pa nito.

Una nang nanawagan ang senador sa DOH at DBM na maglaan ng tamang kompensasyon sa health workers na nag-volunteer para tumulong na respondehan ang COVID-19 health crisis.

Ipinunto ng senador na sa pamamagitan ng pagkonsidera sa mga ito bilang job orders o contract of service workers, ay pagkakalooban ang mga ito ng kompensasyon na halos katumbas sa full-time nurses at doctors at makuwalipika rin na tumanggap ng hazard pay at special risk allowance at iba pa.

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deployment ban, enhanced community quarantine, Health, healthcare workers, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deployment ban, enhanced community quarantine, Health, healthcare workers, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.