Marine Lt Col Ferdinand Marcelino, sinampahan ng panibagong kaso ng PNP
Bukod sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drug act of 2002, nahaharap din ngayon sa kasong paglabag sa Omnibus election code o Comelec Gun Ban Act si Marine Lt Col Ferdinand Marcelino.
Ayon kay senior deputy state prosecutor Richard Anthony Fadullon, isinampa ng PNP Anti Illegal Drug Group ang kaso laban kay Marcelino makaraang masakote ito sa loob ng isang shabu laboratory sa Sta. Cruz, Manila na may bitbit na baril ng walang kaukulang dokumento.
Dahil dito inatasan na ni Fadullon si Assistant State Prosecutor Mike Humarang na magsagawa ng preliminary investigation.
Matatandaang naaresto si Marcelino kasama ang isang chinese national nang salakayin ng PNP AIDG ang shabu lab sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.