Kaso ng COVID-19 sa bansa umakyat na sa 5,878
By Dona Dominguez-Cargullo April 17, 2020 - 04:10 PM
Umabot sa 5,878 ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nakalipas na magdamag may nadagdag na 218 na kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).
Nakapagtala din ng 52 mga pasyente na naka-recover sa sakit kaya 487 na ang total number of recoveries.
Habang nakapagtala ng 25 pang nasawi sa magdamag kaya umabot na sa 387 ang death toll ng bansa sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.