Pagkakaroon ng Usec na tututok sa quarantine kailangan ayon sa isang public health expert

By Erwin Aguilon April 17, 2020 - 12:59 PM

Inirekomenda ni Public Health Expert Dr. Susan Mercado na magtalaga ang gobyerno ng isang undersecretary na tututok sa umiiral na quarantine ngayon sa Luzon bunsod ng patuloy na pagtaas pa rin ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa virtual meeting ng House Defeat COVID-19 Committee, sinabi ni Mercado na mahalaga ang pagkakaroon ng isang Undersecretary for Quarantine Services partikular iyong may medical, diplomatic at mayroon ding military background na bukod sa may kaalaman sa lawak at mabilis na pagkalat ng impeksyon ay kaya ring manduhan ang mga otoridad na siyang tumitiyak sa pagsunod ng publiko sa quarantine.

Pinabubuo rin ni Mercado ang gobyerno ng COVID-resilient health system kung saan magtatayo ng COVID hospitals at referral network sa lahat ng probinsya gayundin ang pagtatayo ng Philippine Center for Disease Control para sa mabilis na testing.

Importante rin anya na magkaroon ng international quarantine port para sa mga seafarers sa Corregidor na may military hospital at Red Cross Movement.

Babala ni Mercado, mananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa kahit pa matanggal na ang ECQ kaya naman pinayuhan nito ang pamahalaan na unti-untiin ang lifting sa quarantine hanggang sa tuluyang bumalik sa normal ang buhay ng lahat.

Hindi aniya pwedeng tuluy-tuloy pa rin ang quarantine dahil maaari itong mauwi sa malnutrisyon ng mga kabataan, pagkakaroon ng ibang sakit dahil sa pagtigil ng immunization program at pagkamatay ng mga buntis dahil sa kawalan ng prenatal care.

Excerpt: Inirekomenda ni Public Health Expert Dr. Susan Mercado na magtalaga ang gobyerno ng isang undersecretary na tututok sa umiiral na quarantine sa Luzon.

TAGS: COVID, covid cases, enhanced community quarantine, Health, COVID, covid cases, enhanced community quarantine, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.