Dagdag na trabaho kailangang likhain sa sandaling matapos ang problema sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 17, 2020 - 09:44 AM

Kabilang sa pinaghahandaan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng mas maraming available na trabaho sa sandaling matapos na ang krisis sa COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Finance Assistant Sec. Tony Lambino na naghahanda din ang gobyerno sa paglikha ng dagdag na trabaho kapag nakabalik na sa normal ang sitwasyon.

Ito ay dahil maraming empleyado ang tuluyang nawalan ng trabaho sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Mas malaking programa ayon kay Lambino sa Economic Recovery Plan ang inihahanda ng gobyerno.

“Pagkatapos nitong COVID kailangan nating mag-put in place at mag-implement ng programa na babalik ang ating kababayan sa kanilang trabaho o we create new jobs for our fellow Filipinos,” ani Lambino.

Ang naturang Economic Recovery Plan ayon kay Lambino ay inilalatag na sa pamamahala ng National Economic Development Authority (NEDA).

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, Economic Recovery Plan, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, National Economic Development Authority, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, Economic Recovery Plan, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, National Economic Development Authority, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.