Experiencial Museum tampok sa 30TH EDSA Anniversary, White Plains WB isasara

By Jimmy Tamayo February 11, 2016 - 11:25 AM

people power
From People power Commission

Isasara sa trapiko ang ilang bahagi ng White Plains sa Quezon City simula Ferbruary 14 hanggang 24 dahil sa 30th Anniversary ng EDSA People Power.

Dito isasagawa ang “Experiencial Museum” para sa anibersaryo ng People Power na nagpabalik ng demokrasya sa Pilipinas.

Ayon sa EDSA People Power Revolution Commission, mas magiging enggrande ang selebrasyon ngayong taon na may temang “Pagbabago: Ipinaglaban N’yo, Itutuloy Ko!”

Target ng pagdiriwang na maabot ang mga kabataan ngayon sa panahon ng makabagong teknolohiya at mga gadgets.

Simula sa linggo February 14 hanggang 22, sarado sa motorista ang westbound lane ng White Plains palabas ng EDSA.

Mananatili namang bukas ang East bound lane patungo ng Katipunan pero magiging 2-way traffic ito.

Pagsapit naman ng February 23 hanggang 24 madadagdagan ang isasarang lane palabas ng Edsa at Katipunan.

Sa February 25, sarado ang lahat ng lanes sa White Plains gayun din sa Edsa North Avenue mula 12:01 ng hatinggabi hanggang 1:00 PM.

Mananatili namang sarado sa trapiko ang White Plains hanggang sa February 29 para naman baklasin ang mga istrakturang ilalagay doon.

Tampok sa museum ang ibat-ibang yugto ng mahahalagang kasaysayan ng Pilipinas bago ang bantog na People Power Revolution.

Ang huling bahagi nito ay isang hologram ni Pangulong Benigno Aquino III kung saan mananawagan ito sa mga kabataan na ipagpatuloy ang paglaban sa katiwalian.

TAGS: Feb. 14 - Feb. 25., People Power Revolution, PNoy, White Plains sa QC, Feb. 14 - Feb. 25., People Power Revolution, PNoy, White Plains sa QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.