WTC nai-turn-over na ng Ayala Group of Companies sa AFP Health Service Command
Handa na para tumanggap ng mga pasyente na positibo sa COVID-19 ang World Trade Center na pansamantalang ginawang Temporary Health care facility dahil sa epedemyang dulot ng coronavirus.
Ang Ayala Group of Companies ang siyang nagtustos para sa conversion ng WTC bilang Health care facility.
Aabot sa P46.4 million ang inilaang pondo ng Ayala Group of Companies sa proyektong ito.
Naisakatuparan ang proyektong WTC: We Heal as One Center sa pakikipagtulungan ng ibat ibang organisasyon at sektor sa pangunguna ng Ayala Land, Inc., kasama ang Globe Telecom Inc., Manila Water Co., Integrated Micro-Electronics (IMI), AC Energy Inc., ICC Group, Manila Exhibition Center Inc. (MEC), gayundin ang Bases Conversion Development Authority (BCDA) at ng pamahalaan.
Pinangasiwaan ng Makati Development Corp (MDC) ang konstruksyon ng 9,700 square meters na pasilidad na mayroong 500 bed capacity, isolation cubicles, examination rooms, nurse stations, doctor’s work areas at medical staff quarters.
Malaking bahagi ng konstruksyon sa pasilidad ay sinagot Globe Telecom gayundin ang unlimited Wi-Fi services.
Nagtayo naman ang Manila Water ng 27 shower areas para sa mga pasyente at 10 converted container van para sa mga medical workers.
Nagbigay din ng 500 bedframes at unan ang AC Energy at nangakong sasagutin ang 50% ng electricity cost ng pasilidad hanggang May 31, 2020.
Habang iko-cover ng Manila Electric Company ang natitirang 50% na bayarin sa kuryente.
Karagdagang P29.5 million din ang nakalap na pondo ng Ayala Group na mula sa Smart Communication Inc., San Miguel Corp., Philippine Constructors Association at MDC Constructions partners.
Ilang kompanya rin ang libreng sumagot ng food commissary suppliers, cafeteria operator, security, cleaning, maintenance at laundry services.
Pamahalaan naman ang magbabayad sa mga medical equipment, supplies at iba pang serbisyo katuwang ang ibang pribadong donors at financiers.
Noon April 14 naiturn-over ang proyekto sa Armed Forces of the Philippines Health Service Command na siyang nagsisilbing medical operators.
Ang WTC ay isa sa pinakamalaking event facilities sa bansa kung saan dito isinagawa ang 2017 Association of Southeast Asians Nation at 2019 Southeast Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.