US Pres. Trump naglabas ng 3-phase plan para sa pagbubukas ng ekonomiya
Ilang estado sa Amerika ang maaari na nang magbukas ayon kay US President Donald Trump.
Naglabas ng guidelines si Trump para sa re-opening ng ekonomiya ng Amerika kasunod ng mga ipinatupad na lockdown dahil sa COVID-19.
Sa unang bahagi ng 3-phase plan sinabi ni Trump na ang malalaking establisyimento gayang restaurants at sinehan ay maaring mag-operate basta’t susunod sa social distancing measure.
Sa Phase 2 ay maari nang payagan ang mga non essential travel at ang mga eskwelahan ay pwede nang magbalik sa operasyon.
Habang sa Phase 3 ang mga medically vulnerable people ay papayagan nang lumabas muli.
Sinabihan na rin ni Trump ang mga gobenador ng ilang estado na pwede na silang magbukas sa May 1 o mas maaga pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.