GSIS members pwede nang mag-apply ng loan online

By Dona Dominguez-Cargullo April 17, 2020 - 07:02 AM

Inanunsyo ng Government Service Insurance System (GSIS) na ang kanilang miyembro at pensioner ay maaari nang mag-apply para sa COVID-19 emergency loan program online.

Sa ilalim ng programang ito, maaaring makakuha ng P20,000 na loan na babayaran sa loob ng tatlong taon at mayroong 6% annual interest.

Ang loan ay ibibigay sa pamamagitan ng eCard o UMID ng GSIS members.

Ang application form at iba pang mga requirements ay maaring ipadala sa isa sa mga itinalagang email address sa lugar na nakakasakop sa trabaho o tirahan ng mga miyembro o pensiyonado:

[email protected] (NCR including Quezon City and Cavite)
[email protected] (North Luzon)
[email protected] (South Luzon)
[email protected] (Visayas)
[email protected] (Mindanao).

Ang mga aktibong miyembro na may mga UMID card ay maaari ring mag-apply sa GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks na matatagpuan sa lahat ng GSIS branches at extension offices, at mga tanggapan ng mga provincial capitols, city halls, at munisipyo.

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, emergency loan, enhanced community quarantine, Government Service Insurance System, GSIS members, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, emergency loan, enhanced community quarantine, Government Service Insurance System, GSIS members, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.