Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 191
Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 191 ang kabuuang kaso (Huwebes, April 16 6:00 PM).
Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:
San Pedro – 30
Santa Rosa – 24
Biñan – 22
Calamba – 18
Los Baños – 15
San Pablo – 14
Santa Cruz – 14
Cabuyao – 8
Calauan – 5
Pagsanjan – 5
Victoria – 5
Bay – 4
Liliw – 4
Nagcarlan – 4
Alaminos – 3
Majayjay – 3
Pila – 3
Cavinti-2
Kalayaan – 2
Lumban – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Paete – 1
Pakil – 1
Sa nasabing bilang 101 pa ang naka-admit sa mga ospital, 39 ang sumasailalim sa home quarantine at 34 na ang naka- recover.
Nasa 17 naman na ang bilang ng nasawi sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.