Kalingang QC, pinalawak pa; 23,510 drayber sa lungsod, nabigyan na ng ayuda

By Angellic Jordan April 16, 2020 - 07:44 PM

Pinalawak pa ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang sakop ng programang Kalingang QC.

Ito ay ang programa ng QC government at QC Council para magbigay ng P2,000 tulong pinansiyal sa mga sektor na naapektuhan ang hanapbuhay bunsod ng ipinatupad na enhanced community quarantine.

Kabilang dito ang solo parent, person with disabilities, tindero, drayber ng PUJ, tricycle at pedicab.

Kasama na rin sa nasabing programa ang mga drayber ng taxi, TNVS at magulang ng mga PWD.

Sa datos hanggang April 16, nasa 23,510 na drayber ng tricycle, pedicab, jeepney, taxi at TNVS ang napagkalooban ng ayuda.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, Inquirer News, Kalingang QC, COVID-19, enhanced community quarantine, Inquirer News, Kalingang QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.