Mga Pinoy sa Libya inabisuhang sundin ang 24-hour curfew
By Dona Dominguez-Cargullo April 16, 2020 - 10:15 AM
Binilinan ng Philippine Embassy sa Libya ang Filipino community doon na sundin ang 24-hour curfew na ipinatutupad ng pamahalaan.
Ayon sa embahada, iiral ang 24 na oras na curfew simula sa April 17 at tatagal ng hanggang 10 araw.
Inaprubahan ng Presidential Council sa Libya ang pagpapatupad ng curfew para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Kabilang sa magsasara ang mga tindahan ng gulay at meat shops.
Ang mga grocery store at bakery ay bukas lang mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.