Deadline sa pagbabayad ng business at realty taxes sa Makati pinalawig
By Dona Dominguez-Cargullo April 16, 2020 - 09:51 AM
Pinalawig pa ng Makati City local government ang deadline sa pagbabayad sa business at realty taxes ng kanilang mga residente.
Maging ang panahon para sa pagbabayad ng Ordinance Violation Receipts ay pinalawig din ng walang kaukulang penalties.
Ang deadline para sa second quarter payment ng business licenses at realty taxes ay extended na hanggang sa May 30, 2020.
Habang ang interests at surcharges sa OVRs ay suspendido din hanggang May 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.