Mahigit 69K households lang sa 168K households sa Makati ang makikinabang sa SAP ng DSWD

By Dona Dominguez-Cargullo April 16, 2020 - 09:43 AM

Wala pang 50% ng households sa Makati City ang makikinabang sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Makati City Mayor Abby Binay, mayroong 125,000 na households sa Makati.

Pero sa nasabing bilang 69,700 na households lamang ang mabibigyan o 41 percent lamang ng kabuuang bilang ng households sa Makati.

Dagdag pa ni Binay, ang pinagbasehan ng DSWD ay 2015 census pa sa Makati o lumang listahan na ng bilang ng mga pamilya.

Ngayong 2020 census ani Binay, 168,800 na ang households sa Makati.

Ang nakalulungkot pa ayon kay Binay, unang nagsabi ang DSWD na lahat ng pamilya ay bibigyan ng form at lahat ay makatatanggap ng tulong.

Dahil dito, ang mga LGUs ngayon ang napagbubuntunan ng galit ng mga residente.

Ang P30 billion naman na Bayanihan Grant mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ay mayroong mga kondisyon ayon sa alkalde.

Sinabi ni Binay na isa sa mga kondisyon ay hindi pwedeng ibigay bilang cash sa mga residente.

Nakasaad aniya sa kondisyon na ang nasabing grant mula sa DILG ay pambili lamang ng medical equipment, PPE, face masks, relief goods at iba pang kailangang pagkagastusan.

TAGS: dswd, Makati, social amelioration program, dswd, Makati, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.