‘Condonation doctrine’, maari pang igiit ni Junjun Binay

By Kathleen Betina Aenlle February 11, 2016 - 04:32 AM

 

mayor junjun binayIsang tahasang panunubok o pagsuway sa Korte Suprema ang desisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa mga kaso laban sa mag-amang Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay.

Ayon kay dating Integrated Bar of the Philippines national president Vicente Joyas, dapat ay pinakinggan ng Ombudsman ang desisyon ng Supreme Court noong nakaraang taon tungkol sa pag-sasantabi ng condonation doctrine.

Giit ni Joyas, sinabi na ng Supreme Court na ang pag-abandona ng condonation doctrine sa kaso ni Junjun ay maaring magamit prospectively.

Kaya ani Joyas, kaya pang i-invoke ni Junjun ang nasabing doctrine dahil ang ibig sabihin ng prospectively, ay maari lamang itong gamitin sa mga kasong lilitaw pagkatapos ng desisyon.

Nakasaad sa condonation doctrine na ang mga re-elected officials ay hindi maaring habulin ng mga kasong administratibo kung ang pinagmulan ng mga kaso ay nagawa noon pang unang termino.

Ang re-election kasi ayon sa doktrinang ito, ay nangangahulugang pinatawad na ng mga constituents ang anumang nagawang mali ng pulitikong iyon.

Matatandaang na-dismiss si Junjun noong October ng nakaraang taon dahil sa anomalya sa Makati City Building 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.