Posibleng pagbabago sa legislative calendar sa gitna ng COVID-19 crisis pinag-uusapan na ng Senado at Kamara
Nagpupulong na ang mga lider ng dalawang kapulungan ng Kongreso kung kailangang magkaroon ng adjustments sa legislative calendar dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano na nakipag-ugnayan na si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri tungkol sa legislative calendar sa gitna ng sitwasyon sa coronavirus disease.
Sabi ni Cayetano, sa ngayon ay wala pang napagkakasunduan kung kakayanin nilang bumalik sa Mayo a-4 o gagawin na rin lang munang virtual ang sesyon, bagay na tatalakayin daw nila kada linggo.
Tiniyak ng speaker na kung ano ang makabubuti sa bansa at kung sa paanong paraan sila makatutulong ay siya nilang gagawin.
Nagpahayag rin ito ng kahandaang magconvene sa special session kung magpapatawag nito ang Pangulo.
Kasalukuyang nakabakasyon ang Senado at Kamara at sa May 4 ang balik ng sesyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.