May resulta na ang paunang COVID localized mass testing sa Valenzuela

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2020 - 11:42 AM

Nakakuha na ng 20 resulta ang Valenzuela City Government sa isinasagawa nilang localized mass testing.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, sa 20 resulta, 18 ay negatibo at 2 ang positbo.

Ang dalawang nagpositibong pasyente ay sumailalim sa confirmatory test.

Isa sa kanila ay senior citizen na dadalhin sa pagamutan habang ang isa ay frontliner sa isang ospital ay dadalhin naman sa isolation facility.

Target ng lokal na pamahalaan na pagdating ng Sabado ay zero backlog na ito sa COVID-19 test.

Target kasing maisailalim sa test ang 537 na suspect at probable cases sa lungsod.

Katuwang ang The Medical City ang lungsod ay nakapagsasagawa ng 25 tests kada araw.

Nakipagkasundo na rin ang lungsod sa he LGU Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory na kaya namang magproseso ng 90 tests araw-araw.

Simula bukas, 115 na tests na kada araw ang kayang iproseso sa Valenzuela o 700 na tests kada linggo.

 

TAGS: COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, localized mass testing, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, localized mass testing, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.