Bernie Sanders at Donald Trump, nanalo sa New Hampshire

By Kathleen Betina Aenlle February 11, 2016 - 04:00 AM

 

Nagbubunyi ngayon sina Bernie Sanders ng Democrats at Donald Trump ng Republican matapos silang mag-wagi sa New Hampshire caucus.

Hindi masyadong inaasahan ang pagkapanalo ni Sanders laban kay dating secretary of state at dating first lady Hillary Clinton na naging paboritong Democratic nominee.

Ang panalo ni Sanders ay tila nangangahulugan na may mahigpit nang kalaban si Clinton.

Samantala, matapos naman ang kaniyang pagkatalo kay Ted Cruz sa Iowa caucus na kaniyang binatikos at ikinapikon, nakabawi si Trump

Makahulugan rin ang pagkapanalo ni Trump dahil napunta na siya sa unahan ng karera, at napatunayan niya sa New Hampshire na kaya niyang makakuha ng boto.

Matatandaang kinuwestiyon ni Trump ang pagkapanalo ni Cruz sa Iowa noong nakaraang linggo, at inakusahan niya pa ang Texan senator ng fraud sa resulta ng caucus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.