Bayarin sa PLDT at Smart bill pwedeng hulugan sa loob ng 6 na buwan
By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2020 - 09:09 AM
Pwedeng installment o hulug-hulugan sa loob ng anim na buwan ang maiipong bayarin sa PLTD at Smart.
Ayon sa abiso ng PLDT at Smart, simula May 1 ay magpapatupad sila ng 6-month installment payment program para sa outstanding monthly bills ng kanilang postpaid subscribers.
Sakop nito ang mga postpaid subscriber ng PLDT Home, Smart at Sun.
Ang mga balanse sa bill as of April 30 ay hahatiin sa anim na walang interest at penalties.
Maaring i-track ang bills sa pamamagitan ng MyPLDT-Smart App.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.