Paglalaan ng pondo sa WHO itinigil ng US

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2020 - 06:50 AM

Inanunsyo ni US President Donald Trump na ihihinto na ng Estados Unidos ang pagbibigay ng pondo sa World Health Organization (WHO).

Ito ay habang isinasailalim ng Amerika sa “review” ang pagganap ng WHO sa kanilang trabaho.

Ayon kay Trump kabilang sa bubusisiin ang “mismanaging” ng WHO at “cover up” nito sa paglaganap ng coronavirus.

Sinabi ni Trump na noong nagpatupad ang US ng travel restrictions sa China noong kasagsagan ng outbreak ay tinutulan ito ng WHO.

Ani Trump ang iba pang mga bansa na sumunod sa guidelines ng WHO na panatilihing bukas ang kanilang borders sa mga mamamayan ng China ay nakapagtala ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, donald trump, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, trump halts funding for WHO, WHO, covid pandemic, COVID-19, donald trump, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, trump halts funding for WHO, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.