LOOK: Bagong regulasyon na ipatutupad sa Blumentritt Market simula sa April 15

By Angellic Jordan April 14, 2020 - 11:00 PM

Mahigpit na ipatutupad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang bagong regulasyon sa Blumentritt Market.

Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay bunsod ng pagdagsa ng mga mamimili sa pampublikong pamilihan.

Magkakaroon na ng tatlong entry at exit points sa lugar:
– Blumentritt corner Rizal Avenue
– Leonor Rivera corner Antipolo
– Blumentritt corner Aurora Boulevard

Layon anila nitong maiwasan ang pagsisikip sa lugar at mapatupad ang social distancing.

Papayagan din ang mga residente sa Maynila sa Blumentritt mula 5:00 ng madaling-araw hanggang 12:00 ng tanghali.

Papagayan naman ang mga hindi residente ng Manila sa nasabing lugar mula 12:00 ng tanghali hanggang 5:00 ng hapon.

Makakabili naman sa Blumentritt area ang wholesale buyers simula 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Epektibo ang mga bagong regulasyon simula sa araw ng Miyerkules, April 15.

TAGS: blumentritt market, Inquirer News, Manila Public Information Office, new restrictions in Blumentritt Market, social distancing, blumentritt market, Inquirer News, Manila Public Information Office, new restrictions in Blumentritt Market, social distancing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.