Pangulong Duterte, hinikayat ang ASEAN members na maagang paghandaan ang posible pang tumamang outbreaks
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) na maagang paghandaan ang mga posible pang tumamang outbreak sa mundo.
Sa virtual Special ASEAN Summit on COVID-19, inihayag ng pangulo na kailangang bumuo ng early warning system sa rehiyon.
Ayon sa pangulo, dapat pag-ibayuhin at palawakin ang mekanismo ng ASEAN para matugunan ang public health emergencies.
Sinabi pa ng pangulo na dapat pagtibayin pa ang kooperasyon at pagkakaisa ng ASEAN sa gitna ng COVID-19 crisis pagdating sa produksyon ng medical supplies, food security at pag-aaral.
Aniya, ang food security ang susi para mapanatili ang socio-economic at political stability.
Samantala, nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa Brunei Darussalam at Singapore para sa pag-aabot ng tulong sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.