Sta. Rosa, Laguna nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19
Kinumpirma ng pamahalaang lokal ng Sta. Rosa, Laguna ang panibagong kaso ng COVID-19 sa lugar.
Ayon kay Mayor Arlene Arcillas, ang bagong napaulat na kaso ay isang 68-anyos na lalaki at nakatira sa isang subdivision sa Barangay Pulong Santa Cruz.
Naka-confine aniya ang pasyente sa isang pribadong ospital.
Nagsasagawa na aniya ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Nakasailalim na rin aniya sa quarantine ang mga kaanak ng pasyente.
Sa huling datos hanggang 6:00, Martes ng gabi (April 14), nasa 24 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Sta. Rosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.