Makati LGU, sasagutin ang cremation ng mga nasawing COVID-19 patient sa lungsod

By Angellic Jordan April 14, 2020 - 02:15 PM

Inanunsiyo ng pamahalaang lokal ng Makati na sasagutin na ang cremation ng mga nasawing pasyente na apektado ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay Mayor Abby Binay, nakipagkasundo ang Makati LGU sa NewLife Techwin Inc. para magpagamit ng dalawang crematory machines sa lungsod.

Batay sa kasunduan, ang nasabing pribadong kumpanya ang mangangasiwa sa crematory procedures sa loob ng isang taon.

Maliban dito, tutulungan din ito sa pagtatayo ng temporary crematorium sa Makati Park and Garden.

Ayon sa alkalde, aabot ng P18,300 ang ilalaang pondo sa bawat residenteng nasawi.

Aniya, ito ang paraan ng pamahalaang lokal ng Makati para ipaabot ang tulong, pakikiramay at malasakit sa kaanak na naiwan ng nasawing pasyente.

Pagtitiyak pa ni Binay, ligtas ang gagawing cremation process at pasado sa protocols ng Department of Health (DOH).

TAGS: COVID-19, cremation sa Makati, Mayor Abby Binay, COVID-19, cremation sa Makati, Mayor Abby Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.