Publikong matitigas ang ulo sa mga palengke maaring arestuhin ng mga pulis
Aarestuhin ng mga pulis ang mga taong hindi sumusunod sa social distancing sa mga palengke.
Ayon kay PNP spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, maaring maaresto at makasuhan ng paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang mga lalabag.
Lahat aniya ng matigas ang ulo at hindi susunod sa mga ipinatutupad na guidelines ay maring arestuhin.
Tatlong team ng mga pulis ang ipakakalat sa mga palengke para masiguro na kontrolado ang pagpasok ng mga tao.
Sa malalaking palengke sa Metro Manila ay mayroong nasa 500 pulis ang naatasang magbantay ng sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.