Kaso ng COVID-19 sa Quezon City 942 na
Umakyat na sa 942 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa datos ng Quezon City Local Government, sa nasabing bilang, 64 ang naka-recover na, 61 ang nasawi at mayroon pang 472 na active cases.
Kahapon araw ng Lunes, April 13 ay sinimulan na ang community based testing sa lungsod.
Umabot sa 167 na posibleng COVID patients ang nakuhanan ng samples kahapon.
Isinasagawa ang community based testing sa Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, Quezon City Circle at QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.