Mahigit 1,300 nasawi sa US sa magdamag dahil sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 14, 2020 - 06:36 AM

Nakapagtala ng mahigit 1,300 na nasawi sa Estados Unidos sa nakalipas na magdamag dahil sa COVID-19.

Umakyat na sa mahigit 23,400 ang bilang ng mga nasawi sa US dahil sa nasabing sakit.

Nakapagtala rin ito ng mahigit 23,500 na panibagong kaso sa magdamag.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 583,800 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa US.

Ang Spain naman ay nakapagtala ng 419 na panibagong nasawi kaya umabot na sa 17,628 ang death toll nito.

Ang COVID-19 cases naman sa Spain ay 169,628 na matapos makapagtala ng 2,797 na bagong kaso.

Habang sa Italy, nakapagtala ng 566 na panibagong nasawi dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 20,465 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa sakit sa Italy.

Habang mayroon naman nang 159,516 cases sa nasabing bansa.

Ang France naman ay mayroong 574 na panibadong bilang ng nasawi sa magdamag.

Nasa 14,967 na ang death toll sa France at mayroon itong 136,779 cases.

TAGS: covid cases, covid pandemic, covid patients, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, covid cases, covid pandemic, covid patients, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.