Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo April 14, 2020 - 05:57 AM

Epektibo na ngayong umaga ng Martes, April 14 ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

May dagdag na 55 centavos kada litro sa gasolina at 15 centavos sa kada litro ng diesel habang may bawas naman na 20 centavos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang price adjustments ng kumpanyang Shell, Petron, Chevron, Flying V, at SeaOil alas 6:00 ng umaga.

May parehong price adjustment din sa kanilang produktong gasolina at diesel ang Total, CLeanFuel, Phoenix Petroleum, PTT, at Petro Gazz.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng dagdag sa preso ng gasolina at diesel matapos ang anim na linggong sunud-sunod na rollback.

TAGS: BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, price adjustment, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, price adjustment, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.