DSWD, hinikayat ang publiko na i-report ang mga lokal na opisyal na lumalabag sa pamimigay ng cash subsidy

By Angellic Jordan April 13, 2020 - 06:16 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na i-report ang mga lokal na opisyal na lumalabag sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng social amelioration program.

Ito ay cash subsidy sa mga apektado ng enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19.

Sa isang press conference, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na bumuo sila ng grievance redress system kung saan maaaring ipaabot ng publiko ang mga makikitang anomalya sa pagbibigay ng cash subsidy.

Naka-setup aniya ito sa operation center ng kagawaran at 24/7 na operational.

Ani Bautista, nagkausap na sila ni DILG Secretary Eduardo Año na agad susupindehin ang lokal na opisyal oras na mapatunayang guilty sa paglabag sa batas.

Importante kasi aniyang makita ng mga tao na talagang makakatanggap ng cash subsidy ang mga nararapat.

Kasunod nito, nanagawan ang kalihim sa publiko na iparating sa DSWD ang mga makikitang iregularidad o pag-violate sa batas ukol sa social amelioration program.

Samantala, sinabi pa ni Bauista na nasa P48 bilyon na ang nai-transfer sa mga local government unit at social welfare development offices habang P800 milyon naman para sa BARMM.

TAGS: cash subsidy, grievance redress system DSWD, Sec. Ronaldo Bautista, social amelioration program, cash subsidy, grievance redress system DSWD, Sec. Ronaldo Bautista, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.