Rosario Maclang Bautista Gen. Hospital sa QC sasailalim sa disinfection

By Dona Dominguez-Cargullo April 13, 2020 - 07:48 AM

Sasailalim sa disinfection ang Rosario Maclang Bautista Gen. Hospital sa Quezon City.

Ito ay makaraang may mga empleyado ng pagamutan ang magpositibo sa COVID-19.

Kabilang sa sasailaim sa wall-to-wall disinfection ang wards, emergency room at admitting areas ng pagamutan.

Habang naka-temporary shutdown ang ospital ay sasailalim din sa self-quarantine ang iba pang frontliners na nagkaroon ng close contact sa mga COVID-19 patients.

Tiniyak ng pamunuan ng ospital na sa sandaling ligtas na ang pasilidad ay babalik ito sa operasyon.

Pansamantala, ang Quezon City General Hospital at Novaliches District Hospital ang tatanggap ng mga pasyente ng Rosario Maclang.

 

 

 

TAGS: COVID-19 patients, disinfection, hospital, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, Rosario Maclang Bautista General Hospital, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19 patients, disinfection, hospital, Inquirer News, PH news, Radyo Inquirer, Rosario Maclang Bautista General Hospital, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.