83 porsyento ng mga Pinoy, pinahahalagahan ang relihiyon – SWS

By Angellic Jordan April 12, 2020 - 05:22 PM

Mayorya ng mga Filipino ang pinapahalagahan ang relihiyon, batay sa Fourth Quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng survey, nasa 83 porsyento ang nagsabing ‘very important’ ang relihiyon para sa kanila habang pitong porsyento ang ‘somewhat important.’

Lumabas din sa survey na pitong porsyente ang ‘not at all important’ at tatlong porsyento ang ‘not very important.’

Ito na ang bagong record-high matapos malampasan ang dating record na 82 porsyento noong December 2016.

Lumabas din sa survey na 45 porsyento ng mga Filipino ang nakakadalo sa religious services kada linggo, 32 porsyento ang kada buwan at 22 ang ‘occasionally.’

Isinagawa ang survey sa 1,200 Filipino adults sa pamamagitan ng face-to-face interview sa buong bansa mula December 13 hanggang 16, 2019.

TAGS: religion, sws survey, religion, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.