BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 4,648

By Angellic Jordan April 12, 2020 - 04:10 PM

Patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (April 12), 4,648 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

220 ang napaulat na panibagong kaso ng virus sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, 40 pasyente ang gumaling sa COVID-19 kung kayat ang total recoveries ng sakit sa bansa ay nasa 197 na.

50 pasyente naman ang nasawi bunsod ng Coronavirus.

Dahil dito, nasa 297 na ang COVID 19-related deaths sa bansa.

TAGS: COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, doh, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.