Nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.
Sa datos ng PAGASA Hydrology Division hanggang 6:00, Linggo ng umaga (April 12), nasa 193.40 meters ang water level ng nasabing dam.
Mas mababa ito kumpara sa 193.54 meters noong Sabado (April 11).
Bahagyang bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dams.
Samantala, tumaas ang antas ng tubig sa Ipo at Magat Dams.
Nanatili naman sa 77.10 meters ang water level sa La Mesa Dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.