DOH naglabas ng bagong klasipikasyon sa COVID-19 patients; PUI at PUM hindi na gagamitin
By Dona Dominguez-Cargullo April 11, 2020 - 03:18 PM
Naglabas ng bagong klasipikasyon ng COVID-19 patients ang Department of Health (DOH).
Sa abiso ng DOH, hindi na gagamitin ang PUMs o persons under monitoring at PUIs o persons under investigation.
Sa halip na PUM at PUI ay gagamitin na lang ang salitang “suspect” at “probable”.
Gagamitin pa rin naman ang “confirmed” para sa mga nagpositibo sa sakit.
Layon nitong mas maging tutok ang hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.