Makilala, Cotabato niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo April 10, 2020 - 12:14 PM
Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Makilala sa COtbaato.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 9 kilometers southwest ng Claveria alas 11:40 ng umaga ng Biyernes, April 10.
Ayon sa Phivolcs, 13 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Kidapawan City bunsod ng naturang lindol.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.