Tatlong nag-penitensya sa Pampanga, timbog dahil sa paglabag sa ECQ
Arestado ang tatlong nag-penitensya sa Barangay Cutod sa San Fernando, Pampanga dahil sa paglabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Arlyn Villegas, nagpi-pentiensya ang kanyang 17-anyos na anak na si John Lawrence kasama ang dalawang barkada sa pamamagitan ng paghahampas sa likod nang imbitahan ng mga opisyal ng barangay.
Ayon kay Villegas, nagulat na lamang siya nang biglang dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlo.
Namamata raw ang kanyang anak na si John Lawrence para sa kanyang lola na may sakit.
Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang tatlo sa araw ng Huwebes, April 9.
Ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang pagsasagawa ng tradisyonal na sinakulo o pananampalataya sa Barangay Cutod dahil sa umiiral na ECQ.
Naging sikat ang nasabing barangay tuwing Semana Santa dahil sa mga namamata na nagpapako sa krus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.