Mga pari, binawalang mag-misa sa kampaya
Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila ang mga pari hinggil sa pagmimisa sa mga political activities.
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang banal na misa ay simbolo ng pagkakaisa at ang selebrasyon ng Holy Eucharist ay hindi dapat ginagamit para ipakita ang pagpabor o pag-endorso sa isang partikular na kandidato.
Sa kaniyang circular, inabisuhan ni Tagle ang mga pari sa Manila Archdiocese na panatilihin ang pagiging non-partisan ng simbahan at ang kasagraduhan ng mga sakramento.
Pinayuhan din ni Tagle ang mga pari na huwag hayaan ang mga kandidato na magsagawa ng mass baptisms, mass confirmations at mass weddings.
Pinaiiwas din ni Tagle ang mga pari sa paghingi ng pabor o tulong sa mga pulitiko para hindi malagay sa alanganin ang kanilang integridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.