128 sa 217 na sakay ng barko sa Uruguay positibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2020 - 08:57 AM

Malaking bilang ng mga pasahero ng barkong nasa Uruguay ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa 217 na sakay ng Aurora Expeditions, 60 percent o 128 sa kanila ay positibo sa COVID-19.

Sakay ng barko ang iba’t ibang nationalities kabilang ang mga mula sa Australia, Europe, at US.

Ayon sa pahayag ng Australian operator ng barko na Greg Mortimer Ship, pawang asymptomatic ang mga nagpositibo sa sakit.

Sa ngayon ipinoproseso na ang pagpapababa sa mga crew at pasahero at sila ay kukuhanan ng flight pauwi.

Mayroon nang anim na unang nailikas sa barko at lahat sila ay mabuti ang kondisyon.

Ang barko ay umalis noong March 15 patungo ng Antartica at South Georgia.

TAGS: aurora expeditions, COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, uruguay, aurora expeditions, COVID-19, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, uruguay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.