Antas ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa Luzon muling nabawasan sa magdamag
Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Miyerkules, April 8 ay nasa 194.26 meters mas mababa sa 194.60 meters na antas nito kahapon.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.79 meters mas mababa sa antas nito kahapon na nasa 100.91 meters.
Ang water level ng La Mesa dam ay nabawasan din, ngayong umaga nasa 77.11 meters ang antas nito mas mababa sa 77.14 meters na antas nito kahapon.
Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.