Andi Eigenmann, nasaktan sa taping ng MMK

By Dona Dominguez-Cargullo, may ulat mula kay Dani Ugali February 10, 2016 - 08:20 AM

From Andi Eigenmann's IG account
From Andi Eigenmann’s IG account

Nasaktan habang nagte-taping para sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” ang kapamilya actress na si Andi Eigenmann.

Nabatid na kinukuhanan ang isang eksena kung saan magpapaputok ng baril si Andi, pero dahil sa lakas ng impact ay tumumba umano ang aktres.

Ang nasabing insidente ay nagdulot ng panic sa set ng taping at nataranta ang mga bumubuo ng produksyon.

Bagaman blank bullets ang ginamit sa baril, masyado pa rin umanong malakas ang naging impact kaya bumagsak si Andi.

Kinailangang bigyan ng atensyong medical ang aktres at ngayon ay nasa mabuti na itong kondisyon.

Sa katunayan, ipinagpatuloy pa umano ang taping ng MMK.

TAGS: andi eigenmann, andi eigenmann

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.