Kaso ng COVID-19 sa Maynila, 266 na
Nadagdagan pa ng 45 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Umakyat na sa 266 ang kaso ng sakit sa lungsod.
Ayon sa Manila Health Department, sa naturang bilang, 21 na ang naka-rekover at 32 naman ang namatay.
Pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Sampaloc na mayroong 67 kaso.
Narito naman ang bilang ng COVID-19 cases sa iba pang bahagi ng Maynila:
Tondo 2 – 31
Sta. Cruz 25
Tondo 1 – 21
Sta. Mesa – 19
Sta. Ana – 18
San Andres – 16
Pandacan – 14
Malate – 13
Paco – 13
Ermita – 12
Bindondo – 6
San Miguel – 4
San Nicolas – 3
Quiapo – 3
Baseco – 1
Mayroon ding 466 na persons under investigation o PUIs sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.