2 toneladang illegal campaign materials, nakulekta
Tone-toneladang illegal campaign materials ang nakulekta sa unang araw ng pangangampanya at unang araw din ng pagpapatupad ng “Oplan Baklas”.
Ipinatupad kahapon ang “Oplan Baklas” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Maynila at Quezon City.
Sa unang araw ng pagbabaklas ng mga campaign materials na nasa bawal na mga lugar, gaya ng mga footbridge, poste ng ilaw, poste ng kuryente at kawad ng kuryente.
Patuloy naman ang panawagan ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magsumbong at kuhanan ng larawan ang mga campaign materials na makikita nilang nakalagay sa bawal na lugar.
Kahapon ay binuhay ng Comelec ang #SumbongKo campaign kung saan hinihikayat ang netizens na kunan ng larawan at itweet ang mga campaign materials na nasalabas ng common posters area.
Kaugnay nito, tatlong araw ang ibinigay na palugit ng Comelec sa mga kandidato para sila mismo ay kusang magbaklas ng mga illegal campaign materials nila.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, sapat na ang tatlong araw na palugit para tumupad ang mga kandidato sa kanilang itinakdang regulasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.