Unang kaso ng Zika, nakumpirma sa China
Nakapagtala na ng unang kaso ng Zika virus sa China.
Sa ulat ng Xinhua news, isang 34-anyos na lalaki ang nagpositibo sa sakit matapos bumiyahe sa Venezuela noong January 28 at nakaranas ng lagnat, pananakit ng ulo at pagkahilo.
Ang lalaki ay residente ng Ganxian county sa lalawigan ng Jiangxi.
Nakasailalim sa sa quarantine Ganxian Hospital ang pasyente simula pa noong February 6.
Ayon sa National Health and Family Planning Commission ng China, unti-unti nang bumubuti ang lagay ng pasyente na normal na ang body temperature at nawawala na ang rashes.
Sa ngayon nasa 26 na bansa ang mayroong kumpirmadong kaso ng Zika virus.
Ang Brazil ang nananatiling ‘hardest hit’ na mayroon nang mahigit 20,000 kaso ng sakit kabilang ang 2,000 buntis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.