Nasa 134 na ang kaso ng COVID-19 sa San Juan City.
Sa inilabas na datos ni Mayor Francis Zamora hanggang 12:00, Martes ng tanghali (April 7), 181 ang patients under investigation (PUIs) habang 482 ang persons under monitoring (PUMs).
Sinabi naman ng alkalde na nadagdagan ang bilang ng nakarekober sa nakakahawang sakit na nasa pito habang 35 naman ang na-discharge na sa mga ospital.
Sa ngayon, 35 pasyente ang naka-confine pa sa mga pagamutan at 40 ang nakasailalim sa home quarantine.
Batay pa sa datos, 24 na ang nasawi sa lungsod bunsod ng virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.