Unang araw ng kampanya, inulan ng mga pangako ng mga kandidato

By Kathleen Betina Aenlle February 10, 2016 - 04:41 AM

 

Inquirer file photo

Naging hitik sa mga pangako, at maging ng mga patutsada ang unang araw ng pangangampanya ng mga kandidatong tumatakbo para sa national positions.

Tulad ng lagi niyang sinasabi, na siya ring paninindigan niya sa kaniyang pag-takbo bilang pangulo, ipinangako nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano na wawakasan na ang kriminalidad at kurapsyon sa bansa.

Isinusulong rin ni Cayetano ang pag-tangkilik sa mga produktong Pilipino, para kumita rin ang mga manggagawang Pilipino.

Nangunguna naman sa mga pangako ni Vice President Jejomar Binay, kasama ng kaniyang ka-tandem na si Sen. Gringo Honasan, na tatanggalin nila ang income tax sa mga empleyadong kumikita ng P30,000 kada buwan.

Dahil dito, umani ng malakas na palakpakan ang sinabi ni Binay na aniya’y gagawin niya para gumaan ang buhay ng mga mahihirap.

Nangako rin si Binay na hindi lang niya ipagpapatuloy, kundi mas palalawigin at lilinisin niya ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan.

Sa proclamation rally naman nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila, matapang na nanindigan si Poe na ipaglalaban niya ang kaniyang citizenship.

Gagawin niya aniya ito sa ngalan ng mga Pilipinong dumaan sa parehong hirap na dinaranas niya.

Para naman kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo, wala silang balak magpa-pogi, mag-drama, kundi trabaho lang.

Mismong si Pangulong Aquino na naroon din sa unang araw ng kampanya ng kaniyang partido, ay nakiisa sa pagpapakilala sa kanilang dalawang pambato.

Samantala, si Sen. Miriam Defensor-Santiago naman at si Sen. Bongbong Marcos naman na tumungo sa balwarte ng mga Marcos sa Ilocos Norte, ay nangakong lalabanan ang kurapsyon sa pamahalaan.

Bukod dito, ipinangako rin ni Marcos na wawakasan na ang hidwaan sa bansa nang dahil lang sa pulitika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.