Mandatory na pagsusuot ng face mask ipinatutupad na sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo April 07, 2020 - 10:50 AM

Obligado nang magsuot ng face masks ang mga residente ng Quezon City kapag lalabas sila ng bahay.

Ito ay matapos ipasa ang Executive order No. 25 ni Quezon City Joy Belmonte na nag-aatas ng mandatory na paggamit ng face masks.

Sa nasabing ordinansa pwedeng gumamit kahit DIY na face masks, cloth face mask o anumang kahalintulad nito kapag lalabas ng bahay para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Tiniyak din ni Belmonte na mamamahagi sila ng face masks sa mga residente para masigurong lahat ay makasusunod sa ordinansa.

Nakasaad sa EO na ag lalabag ay maaring maparusahan sa ilalmadatoryim ng Section 10 of Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Ang parusa ay pagkakabilanggo ng isang buwan hanggang anim na buwan o multa na P20,000 hanggang P50,000.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, face mask, Health, Inquirer News, mandatory, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, quezon citiy, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, face mask, Health, Inquirer News, mandatory, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, quezon citiy, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.