Finance Sec. Dominguez pinahahanap ni Pangulong Duterte ng dagdag pondo kontra COVID-19

By Chona Yu April 07, 2020 - 10:37 AM

Presidential photo
Aminado si Pangulong Rodrigo Durerte na kulang ang P270 bilyong pondo ng pamahalaan kontra COVID-19.

Kaya naman, utos ng pangulo kay Finance Secretary Sonny Dominguez, maghanap ng dagdag na pondo.

Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam kung magnakaw o manghiram si Dominguez basta’t makapag-produce lamang ito ng pera.

P100 billion for one month or P270 “billion for two months naka program na is not enoguh, Im calling on SOF to generate magnakaw ka maghiram ka produce mo yung pera, pag naubos na ito di ko malaman itong COVID na ito ito yung tunay, at the start sinabi ko sa inyo, bantay tayo, talagang yayariin tayo nito,” ayon sa pangulo.

Ayon pa sa pangulo, hindi sapat ang P270 bilyong pang-ayuda sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng dalawang buwan.

Sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act, P200 bilyon mula sa P270 bilyong pondo ang ipangaayuda sa mga mahihirap na pamilya na naapektuhan ng COVID-19.

Aabot sa P5,000 hanggang P8,000 ang matatanggap ng mga mahihirap sa loob ng dalawang buwan.

TAGS: additional fund, carlos dominguez, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, additional fund, carlos dominguez, COVID-19, covid-19 in ph, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, public health emergency, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.