Kenya, posibleng umatras sa Olympics dahil sa Zika virus

By Kathleen Betina Aenlle February 10, 2016 - 04:15 AM

 

kenya runningPinag-iisipan na ng National Olympic Committee of Kenya (NOCK) ang posibilidad ng pag-atras nila sa Rio Olympics ngayong summer kung patuloy ang pag-lala ng Zika virus sa Brazil.

Ayon kay NOCK chief Kipchoge Keino, maghihintay sila hanggang sa huling minuto kung itutuloy ba nila ang pagpapadala ng kanilang mga manlalaro sa Rio para sa Olympics.

Ani Keino, mas mahalaga sa kanila ang kapakanan ng kanilang mga manlalaro kaysa sa laban, kaya’t hindi sila mag-aatubiling umatras kung mapatunayang lumalala ang Zika base sa mga abiso ng health organizations.

Pero, kung hindi naman ito ganoong kadelikado, tutuloy pa rin sila sa Olympics na gaganapin na sa August 5 hanggang 23.

Kilala ang Kenya sa kanilang mga malalakas na atleta lalo na sa larangan ng takbuhan, at noong huling Olympics sa Beijing ay humakot sila ng pitong gintong medalya, anim na silver medals at tatlong bronze medals.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.