BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 3,660

By Angellic Jordan April 06, 2020 - 04:47 PM

Tumaas pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (April 6), pumalo na sa 3,660 ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

414 ang naitalang panibagong kaso ng sakit sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, 11 pasyenteng ang nasawi bunsod ng COVID-19 kung kayat umabot na ang COVID 19-related deaths sa Pilipinas sa 163.

Siyam namang pasyente ang nakarekober o gumaling sa virus dahilan para umabot ang total recoveries sa bansa sa 73.

TAGS: COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, doh, COVID-19 cases in the Philippines, COVID-19 monitoring, COVID-19 update, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.